Ilang taon
din ang nagdaan
At pag-ibig
koy hindi inilaan
Ang puso’y
sadyang pinahinga
Tulad ng
nagpa bingi-bingihan kong tenga
Ngunit
hindi ko inakala
Na makakatagpo
ng isang tala,
Nabuksan ang
aking mga mata at pananaw
Nabihag ang
puso at pangalan mo’y sinisigaw
Ngayon
aking napagtanto
Na masarap
magmahal ng todo
Nakakalimot
nang problemang laging iniisip
At ang
iyong mala anghel na mukha lamang ang laging silip.
Kasiyahang tunay
ito ang aking nadarama
Poot at
galit, ay ni di sumama
Sapagkat makapangyarihan
kung magmahal,
Sa taong
tunay at marangal.
Hindi ko na
hinihiling ang ‘mas’ pa sa kanya
Dahil siya
mismo ay sapat na
Kung bibigyan
man ako ng panginoon nang pangalawang buhay,
Wag mag-alala
at mangamba
Sa’yo parin
ako mananahan sinta.
Sa oras ng
kalungkutan sa pahina,
Nariyan ka
upang di ako manghina.
Yakap mo sa
akin ay sobrang higpit
Na pati
halik ay tiyak kong ipipilit
Di lubos
maisip na akin ka na
Na dati
tayo’y matalik lamang na barkada
Ngayon mas
pinagtibay ang samahan
At ang
pag-ibig ay pinag-yaman.
Tinuring
kitang anghel sa langit
Na binigay
ng Diyos at di-ipinagkait
Kay swerte
ko sayo mahal,
Sobrang swerte
ko sayo M.
Di ko na
talaga matago pa ‘tong nadarama
Tulad ng
mga teleserye at drama
Ipagsisigawan
ko na sa buong mundo,
Na iniibig
kita, yan ang totoo.
![]() |
Patuloy na magsusulat dahil ikaw ang inspirasyon ko! mahal na mahal kita <3
Thursday
11:34pm
05-17-12
|
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento