“Itay, bumalik ka na sa bahay
natin. Naghihintay na sa iyo si inay. Matagal ka na niyang pinatawad sa nagawa
mong kamalian. Sige na itay!..”
Karamihan sa ating mga anak ay
naghahanap ng kalinga nang isang ama. Naghahanap na mayroong matatawag na itay.
At nangangarap nang isang matibay at mapagmahal na haligi sa isang tahanan.
Subalit kasalungat ng aking nabatid, kami na may haliging noong una’y matatag
ngunit ng lumaon ay naging marupok.
Ang bawat isa sa atin ay may
kalakasan ngunit mayroon ding kahinaan. Hindi natin ito maiwawadli sa ating
sarili sapagkat ginawa tayong ganito, hindi perpekto. Ang pagkakasala dulot ng
tukso ay mahirap malimot ng isang pamilya lalo’t ang mga bawat kasapi nito ay
nagdurusa. Nagdurusa dahil nang-iwan si itay at responsibilidad ay tinalikuran.
Sariwa pa sa aking ala-ala ang
kanyang masakit na pag-alis. Hindi man lang nag paalam at sumama agad sa iba ng tuluyan. At nagwika
na kanyang paninindigan ang nagawang kabaloktotan. Masakit para sa akin na
mawalan ng itay at maiwan kami ni inay na mamuhay na walang kaagapay. Namumuhay
na puot at galit ang dumaramay. Namumuhay ng hindi normal sapagkat sa kanyang
pag-alis, muntikan ng sumuko si inay sa hamon ng buhay.
Naiingit ako minsan sa mga
kaklase kong kasa-kasama nila ang kanilang mga tatay. Tatay na ang iniiisip ay
ang bawat kapakanan lamang ng pamilya at hindi nang sa iba. Ang saya nilang
tingnan, kahit hindi marangya sa pamumuhay ay magkakasama at matibay parin
sila. Buo sa pagmamahalan.
O itay, nasaan ka na at bakit
ikay nang-iwan? Naiisip mo pa ba kami ni inay? Naiisip mo ba kaming naiwan sa
bahay at ikaw sa iba’y tumutulong itirik ang kanilang haligi? Naiisip mo ba
kung sa panahon ng kalungkutan, may isang amang sa amin ay nagpapasaya? Kung
kumakain pa ba ang iyong mag-ina at kung nag-aaral pa ba ako? Naiisip mo ba ang
mga iyan itay? Naiisip mo ba?
Tatay, ngayon na si inay ay sa
iyo naghihintay. Sana ay iyong pagbigyan ang asawang nakaratay. Magiging
panatag n asana ang kanyang loob kung ang nagawang kasalanan ay nagsisihan.
Kahit ang misang tahanang pupunuin sana nang pagmamahalan ay nagkaroon ng
haliging marupok.
my feature when i was in H.S.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento